PI KA OTJ

Posted: September 14, 2013 in Social, Uncategorized
Tags: , ,

“Tangina, ang ganda ng OTJ!”, sabi ng mga friends ko sa advertising.  Sinusuggest nila na panoorin ko din. Gusto ko naman talaga s’ya panoorin dahil kilala ko ang mga tao behind the scenes. Nakakatrabaho ko sila at gusto ko sila bigyan ng konting brotherly love. Kaso ang iniisip ko, di kaya nagagandahan lang ang mga nagrerecomenda dahil kilala nila personally ang mga gumawa? Bias kumbaga? O yung tinatawag na “love your own” ‘di ba? Objective kasi ako na tao kaya natakot ako na baka hindi ako magandahan, magsisi lang ako.

Pero hindi. Hindi ako nagsisi. Tangina ang ganda nga. Tangina ang galing ng kwento at pagkakagawa. Walang eksena na walang pakinabang. Tangina sakto ang casting at panalo ang acting. Yung mapaos-paos na SPO1 Joey Marquez. Pati na din yung mautal-utal na jail guard William Martinez. Si hitman Joel Torre, given na yun. Mahusay talaga yung mama. Si reckless understudy Gerald, kahit ginawang gusgusin pogi pa din. Si Leo Martinez bilang mastermind ng kawalanghiyaan, classic. Nagpe-playback sa isip ko yung “Kawatan! Kawatan! Kawatan ang daddy ko!” na linya sa isang pelikula na kasali s’ya years ago. Si Piolo bilang hotshot na NBI agent na may asawang cutie na si Shaina, sige na nga, napaniwala naman ako.

Pero bilang ako, ang pinakagusto ko sa pelikula ay yung mga tagos na aral na mapupulot. Ang dami. Yun ang nagpasulit ng bayad para sa ‘kin. Ito ang putang este pitong aral na pinakapaborito ko:

1. Tanga ang mga nagsasabing, “Ikaw naman ang papakasalan ko, hindi ang pamilya mo.” Hindi mo yun mahihiwalay. Pag pinakasalan mo s’ya, pinakasalan mo din ang pamilya n’ya.

2. Hindi porket nagtatanga-tangahan ang babae eh tanga talaga s’ya. Maaaring hindi s’ya naive. Baka sinastylan ka lang.

3. Ang mga bagay na hindi makuha sa pakiusap ay maaaring daanin sa alindog. Pero ang mga bagay na nadaan sa alindog, maaaring hindi magtagal. Baka bukas lang makalimutan na.

4. Kasama sa ipapamana mo sa mga anak mo ay ang mga kalokohang ginawa mo. Kaya kung mahal mo ang mga anak mo, umayos ka.

5. Mag-ingat sa mga tubero. Chaka sa mga kumpare. So kung may kumpare kang tubero doble dapat ang pagiingat.

6. Pwedeng ikamatay ang pagbabalik-Honda kung nakatikim na ng Range Rover.

7. Sa kasamaan, madaling pumasok pero mahirap lumabas. Baka nga hindi ka na makalabas.


PT

OTJ in Cinemas

 

http://en.wikipedia.org/wiki/On_the_Job_(2013_film)

http://opinion.inquirer.net/59787/gritty-otj-is-unabashedly-filipino

http://www.abs-cbnnews.com/video/entertainment/09/05/13/joel-torre-talked-real-hired-killers-otj

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s